Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Adam R. Holz

Tumakas O Pumayapa?

Makaagaw pansin ang nakasulat sa isang billboard. Sinabi roon, ‘Tumakas’. May mababasa ring ilang benepisyo ng pagkakaroon ng hot tub o paliguan na mayroong mainit na tubig. Naisip ko na magandang magkaroon kami nito sa loob ng bahay. At parang nasa bakasyon ka kapag meron ka nito. Kaya naman, bigla akong nagkaroon ng pagnanais na makatakas sa mga ginagawa ko.

Lubhang nakakaakit…

Isang Araw Palapit Sa Pasko

“Hindi ako makapaniwalang tapos na ang Pasko,” malungkot na sabi ng anak ko. Alam ko ang nararamdaman niya: Nakakawalang-sigla talaga ang pagtatapos ng Pasko. Nabuksan na ang mga regalo. Itinabi na ang Christmas tree at mga ilaw. Matamlay ang Enero, at biglang parang ang layo na ng Pasko at ng lahat ng damdaming kasama nito.

Minsan habang nagliligpit, naisip ko na:…

Ang Paghina sa Pagtanda

Nagsimula sa pangangati ng lalamunan. Nauwi sa trangkaso. Pero simula pa lang pala ito ng ‘bronchial affliction’ (paghihirap sa daanan ng hangin sa baga). Ang trangkaso naging ‘whooping cough’ (ubong tuyo) at kinalaunan naging pulmonya.

Walong linggong pag-ubo na parang binabasag ang dibdib natauhan ako. Kahit hindi ko pa itinuturing ang sarili ko na matanda na, pero alam kong doon na ako patungo:…

Magpahinga Ka

“Tay, puwede po ba na magbasa kayo ng libro para sa akin?” Tinanong ako minsan ng aking anak. Nanibago ako kasi habang lumalaki ang anak ko na iyon, malimit niya na akong pinapabasa ng mga libro para makatulog siya. Pumayag naman ako sa hiling niya, at habang nagbabasa ako, inilagay niya ang kanyang ulo sa aking mga binti upang humiga.…

Ipagkatiwala Mo

Sa isang patalastas sa telebisyon, makikita na nagpapalipat-lipat ng channel ang isang lalaki. Kaya naman, nagtanong ang kasama niyang babae “Ano bang hinahanap mo?” Sagot naman ng lalaki, “Ang sarili ko na hindi na nagdedesisyon batay sa takot.” Nagulat ang babae sa sagot nito dahil ang tinatanong niya lang naman ay kung anong channel ang hinahanap niya. Minsan, katulad din tayo ng…